Minsan na kaming naghiwalay, minsan na akong bumitaw sa kanya,
Hindi ko na muling gagawin pa yun, isa yung sa pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko, ang iwan siya at piliin ang iba. Sobrang swerte ko sa kanya. Siya yung tipo ng tao na hindi susuko, hindi bibitaw kahit alam niyang hindi na niya kaya lalaban pa din siya kasi nagmamahal siya. Totoo siya magmahal, malinis ang hangarin niya, buong-buo siya magmahal, akala ko mawawala na siya matapos ko siyang bitawan pero nagstay siya, hindi niya ako iniwan, kasi nangako daw siya, ang swerte ko sa kanya. :')
Minahal ko siya ng walang kapantay noon, minahal ko siya ng walang hinihinging kapalit. Minahal ko siya noon na halos kahit mabalewala ako, wala akong pakiealam basta ang alam ko mahal ko siya. Hanggang umabot ako sa sukdulan, umabot ako sa puntong "HINDI KO NA KAYA, HINDI NA PATAS." Nagbago ako, nakipagsabayan ako sa kanya. Pero sa panahong yun dun niya binigay lahat, dun niya pinaramdam lahat, kung kelan huli na ang lahat. Ibang-iba na ako noon, halos di ko na namamalayan na nasasaktan na pala siya. Dumating na din sa punto na iba na yung nagpapasaya sakin, pinili ko yung taong yun, pero iniwan lang ako.
Ngayon, siya na ulit kasama ko. Siya na ulit yung katuwang ko, HINDING-HINDI KO NA BIBITAWAN TO. Siguro hindi lang talaga para sa amin yung oras at panahon na yun, pero ngayon sinisigurado ko na HINDI NA MAUULIT ANG NANGYARI NOON, MAS MAGIGING MATATAG AT MASAYA NA KAMI NGAYON. :)

No comments:
Post a Comment